Kinumpirma ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara na sisimulan nang ituro ang paggamit ng contraceptives tulad ng condom sa mga Grade 8 student.
Sa budget hearing ng DepEd sa Kamara nitong Lunes, inusisa ni Akbayan party-list Rep. Perci CendaƱa kay Angara kung kailan sisimulan ang pagtuturo sa tamang paggamit ng condom sa mga estudyante na nakapaloob sa Reproductive Health (RH) Law.
āHindi po nagsisinungaling ang mga datos, pabata nang pabata po ang kaso ng adolescent pregnancy at HIV sa bansa,ā ani CendaƱa kaya tinanong nito si Angara kung kailan sisimulan ang pagtuturo sa paggamit ng condom at anong edad ito ituturo.
Ayon kay Angara, sinimulan na ang pagtuturo sa mga estudyante ukol sa pangangalaga sa kanilang sariling katawan subalit pagdating sa pagtuturo sa paggamit ng contraceptive ay nakatakda na umano itong ituro sa Grade 8.
āBut yung actual used of contraceptives is taught at eighth grade, Your Honor,ā sagot ni Angara kay CendaƱa.
Ang Grade 8 ay edad 13 hanggang 14 taong gulang o Second Year High School.
āSo again we take your commitment na ituturo ang proper used of condom and protection sa atin pong Grade 8,ā ani CendaƱa.
Hindi na inilatag ang datos sa nasabing pagdinig hinggil sa teenage pregnancy sa bansa subalit marami na umanong edad 15 anyos hanggang 19 anyos ang nagdadalaang tao na.
Lumabas din sa datos ng Commission on Population and Development rhalos 139,000 adolescent mothers sa bansa na edad 10 hanggang 19 taong gulang sa buong bansa.
Sa kaso ng HIV o Human Immunodeficiency Virus, umaabot umano sa 51 ang tinatamaan ng nasabing sakit kada araw kung saan isinisi sa hindi paggamit ng mga proteksyon tulad ng condom. (Bernard Taguinod)
https://tnt.abante.com.ph/2026/09/07/paggamit-ng-condom-ituturo-na-sa-grade-8-deped/news/