Kapag eleksyon, todo suyo sa boto. Kapag nakaupo na, “troll” na ang nagrereklamo?
Ito talaga ang nakakainis sa ganitong klaseng trapo politics.
Kapag campaign season, "Mahal ko kayo, Manileños. Pakinggan ko kayo. Kayo ang boss ko.”
Kapag nakaupo na at kino-call out sa perceived negligence o questionable policies “TROLLONGGES.”
So kailan naging trolling ang paghingi ng accountability?
Hindi porket galit ang constituents, trolls na.
Hindi porket kino-question ang policy, kalaban na. Same people na nililigawan mo para sa boto ang mga taong may karapatang maningil kapag ikaw na ang nasa puwesto.
You cannot demand people’s trust during elections tapos ridicule their criticism once you already have their mandate.
Kung mali ang criticism sagutin with facts. Kung may misunderstanding, ipaliwanag ng maayos. Kung may pagkukulang, own it and fix it. TRABAHADOR PO KAYO NG TAUMBAYAN HINDI HARI NA BAWAL KONTRAHIN.
Pero kung ang sagot sa puna ay pangalanan silang “trolls" then don’t be surprised kapag ang dating sa tao ay
“Noong kailangan ang boto namin, mahal kami. Ngayong naniningil kami, troll na kami?”